Advertisements

Paalala sa mga mamamasko! (Chubibo – Abante 12.16.11)


Sa aking mga inaanak.                                                                                                  Para makatanggap ng aginaldo:

  1. Dalhin ang orihinal na baptismal certificate
  2. Magdala ng orihinal na NSO birth certificate
  3. Magpakita ng larawang kuha noong binyag – na kasama ako
  4. Bigkasin ang aking buong pangalan

Hanggang Dec. 31, 2011 lang maaaring tubusin ang mga regalo.

Hindi pwedeng igiit na ang inyong regalo ay palitan na lang ng pera.

Wala ang mga ito, walang regalo.

Maligayang Pasko.

Ano ba talaga, kuya?

Noong papatay-patay si PNoy at parang video game lang ang inaatupag, asar tayo.

Ngayong siya ay agresibo at inuupakan kung sinu-sino at kung anu-anong institusyon, asar tayo.

Kung titimplahin naman ang asta at maging mas mahinahon na lang, sasabihin natin bakla siya.

Ang hirap talagang maging pangulo.

Nasapian na ata ang Kongeso ng mga henyo na “speed readers”.

Bago mo matapos bigkasin ang “sige, basa”, pumirma na kaagad ang 188 kongresista sa 57-pahinang impeachment complaint laban kay Chief Justice Corona.

Pagkabilis-bilis… nag-level up!

Walang tigil ang paghanga ng mga manggagawa ng Pasig City sa walang sawang pag-aasikaso sa kanila ni Mayor Bobby Eusebio.

Kakatapos lang ng napakagandang Sky Park  sa Pasig City Hall kung saan matatanaw ang maaliwalas at napakaberdeng paligid – masarap na “recess” tapos ng maraming oras sa tapat ng computer. At sa darating na taon, marami pang mga nakakaginhawang park ang ilulunsad sa progresibong lungsod.

Mukhang desidido ang pamunuan ng Pasig na muling makamtan ang karangalan bilang “Greenest City in Metro Manila”.

Hula who? Isang dating mataas na opisyal sa administrasyon ni Ate Glo (pati na rin noong panahon ni Erap) ay nag-aalsa balutan na… at balitang handa nang umeskapo. May kinalaman kaya siya sa dayaan sa ilang mga eleksyon? Punung-puno ng ispekulasyon.

Huling Hirit. May isang masipag na judge na pinagpatuloy ang kaniyang  mga kaso imbes na dumalo sa pulong na pinatawag ni CJ Corona.

DALAGA:   Judge, ni rape po ako doon sa library

JUDGE: Aba! Daming tao sa library… di ka man lang sumigaw?

DALAGA:  Haller! May nakasulat po kaya, “SILENCE PLEASE”.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: