Advertisements

Bastos na Miss Earth USA, atbp (Chubibo sa Abante – 12/09)

Wala Namang Bastusan, Miss Earth USA!

Binastos ng talunang si Miss Earth USA ang Pinas.

Sa kaniyang Facebook account, eto ang kaniyang sinulat tungkol sa kakatapos lang na kompetisyon na ginanap dito (isinalin ko sa Pilipino):

“Halos kararating pa lang namin ay agad kaming isinalang sa isang walang-saysay na palabas sa TV. Nakakainis. Walang tigil kaming pinaghahawakan; lahat, sabik na sabik na kami’y makita’t makapiling. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila. Inip na inip na akong makabalik sa atin.  Ang dumi-dumi rito at napakaingay. Takot akong kumain. Sobrang gulo. Maiba ako, mga mahal, mahina ang aking mga kalaban.”

Pagka’t nakakapikon, agad kong ibinulgar ito sa aking blog noong Miyerkoles (www.chubibo.com) at sa loob lamang ng sampung oras, higit sa 40,000 tao ang nakabasa nito at halos lahat ay galit na galit.

Yan ang mahirap sa mga puting “kana” na napapadpad sa bayan natin (kasama na rito ang mga Brazilians at Russians na nagkalat – at nagkakalat – sa Metro Manila).

Pagka’t buhos ang pansin sa kanila, nag-iiba ang ugali. Biglang asal-artista ang karamihan. Nagiging suplada. Sumosobra ang bilib sa sarili.

Miss Earth USA - nalimutan na walang sikreto sa Facebook

Nalilimutan na sa sariling bayan, naglilinis lang sila ng kubeta o kaya’y  naghuhugas ng puwet ng mga matatanda nilang kababayan.

TV5… Kapamilya Jr? Kung nakatulog kayo ng isang taon, tuluy-tuloy… at kakagising n’yo lang, hindi kayo masisisi kung inyong aakalain na ang istasyon ng telebisyon na TV5 ay anak ng ABS-CBN.

Andun na kasi ang mga mukhang dati’y namamayagpag sa Dos. Si Sharon, Dolphy, Aga, Willie, Amy… at napakarami pa.

Ang kulang nalang ‘ata, ang tambalan ni Korina Sanchez at Ted Failon. At ang mahiwagang tinig ni Peter Musngi.

Bilyon ang ibinuhos para mapa-immigrate ang mga celebrities na ito sa kaharian ni Manny Pangilinan.

Pero malamang, barya lang yan kay MVP.

Kapalaran nga naman. Palipat na si GMA sa Veterans Hospital – sa Presidential suite na siya ring ginamit ni Erap. Pinapaayos lang ng mga alalay ni Ate Glo ang banyo.

Dalawang dating pangulo. Parehong silid ang tutuluyan, parehong trono ang uupuan.

Huling Hirit.

Sa eroplano, pa-escapo tungong Portugal:

GMA: Magtapon kaya ako ng isang tsekeng may halagang P1million nang mapaligaya ang isang Pilipino?

MIKE ARROYO: Honey, mas mabuti: dalawang tseke nalang na tig-kalahating milyon. Dalawang Pilipino ang mapapaligaya.

MIKEY: Mom, mas maigi – apat na tseke na tig-P250,000 para apat na Pilipino ang mapapaligaya.

Sabat ng APO: Lola, itapon mo lang kaya ang sarili mo mula sa eroplano para liligaya ang LAHAT ng mga Pilipino…

Advertisements

One Response to “Bastos na Miss Earth USA, atbp (Chubibo sa Abante – 12/09)”

  1. arvin Says:

    Respetuhin ang opinyon niya. Kung masaktan man ang mga nakarinig ibig lang sabihin ay totoo ang kanyang sinabi……..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: