Advertisements

Si Mackoy… at ang bonus mo

Kung katatanggap nyo lang ng 13th month pay, sama nyo na sa inyong pasasalamat ang nagbigay-daan sa benepisyong ito. Sino kamo? Walang iba kundi si President Ferdinand Marcos. Sa kaniyang PRESIDENTIAL DECREE No. 851 na nilagdaan noong ika-16 ng Disyembre, 1976 naging obligasyon sa mga employado ang pagbibigay ng 13th month na sahod.

Lumang tugtugin na ang hiwalayang KC at Piolo. Gasgas na gasgas at napagsawaan na dati. Pero nabuhay na naman – at mas lumaki pa – tapos ng interview ni Boy Abunda kay KC. Dahil sa luhang tumutulo at mala-bugtong na mga sagot ni KC, lalong naintriga ang mga usisero. Sampol: “Hindi ako ang hinahanap niya sa buhay niya.” May third party raw, giit ng mga tsismosa, at kayo na ang maghukay kung sino siya dito sa mga letrang lumulutang: YS, BM o MB.

Hula who? Pogi at magandang artista na mag-kapuso, mag-syota. Nanood sa laban ni Pacman. Kamalasan, nakipag-away si palengkerang artista sa isang Amerkanong security agent. Laseng si pogi. Sumali. Nakulong tuloy ng halos 24 oras. Buti na lang may umayos ng gusot… at natabunan ang balita ng matamlay na laban ni Pacquaio.

Lumabas na sa telebisyon ang mahirap pikonin na si DOTC Sec. Mar Roxas. Napuno na ata ang mama sa mga pinag-tatatalak ng tatlong arkitekto na nag-alok ng ilang ideya para sa pagpapaganda ng napakapangit ng NAIA 1. Press release nila’y pro bono ang kanilang serbisyo nguni’t kung anu-ano ang pinasabog sa media at internet nang wala silang nakuhang kontrata sa inalok na tulong. Simple lang ang punto ni Mar: 1) hindi pagpapaganda ang kailangang unahin sa NAIA 1 – kundi kaligtasan ng gusali, 2) walang sinumang taga-gobyerno ang nangako na may naghihintay na kontrata para sa tatlong arkitekto, 3) ang diwa at kahulugan ng pro bono ay kusang-loob na pagtulong na walang inaasahang kapalit.

Marami ang humanga sa mahinahon at matalas na paliwanag. Tama naman. Sa anumang proyektong inaalok sa pamahalaan – pro bono man o hindi – hindi dapat magpasindak o pumanig ang gobyerno sa ilang grupo dahil lang marunong ang mga itong mag-ingay at gumamit ng media at internet.

Huling hirit. Maraming nagsasabi na si PNoy na marahil ang pinaka-kuripot sa mga naging presidente natin. Isang araw sa palasyo, bitbit ang laptop (na nabili noon pa atang wala pang cancer si Steve Jobs)

Butch Abad: Sir, puwede bang palitan ‘tong laptop ko?

PNoy: Bakit?

Butch Abad: Masyadong mabigat, eh!

PNoy: Delete mo kc ibang files noh!

Advertisements

8 Responses to “Si Mackoy… at ang bonus mo”

  1. abe urme Says:

    Ang 13th month pay ay hindi talagang beneficio, kung tutu-usin. Kasi kung sumhod ang empleadong Pinoy ay 15 – 30 o dalawang beses lang kada buwan. Kaya 24 beses lang sa isang taon. Dapat 26 beses kung ang sahod ay tuwing ika dalawang linggo. Sana’y 14th month pay para tunay na beneficio. Di ba?

  2. Gabriel dela Cruz Jr Says:

    Sumikat si Boy A dahil sa mga pagbubunyag ng mga dapat ay personal na lang sa live tv all over the world. Sana maalis na sa kulturang pilipino ang ganitong raket. It is not helping to promote the country and it never helps our economy.

    • dennisgspot Says:

      correct. not productive at all…

    • abe urme Says:

      This is endemic specially in the film industry. I disagree though that this behaviour never helps the economy. It does because if the movie stars don’t behave this way, the revenues go south. Look at the reality shows in the U. S. (i.e. the Kardashians). And look how popular PJ Pascual is. And Sharon. And Kris. ETC.

  3. emilio samson jr Says:

    maraming nagawa si Apo na nakapagpa-angat sa bangko ng Pinoy……dangan nga lamang, palibhasa puno ng hangin……ng masundot ang lobo….pumutok!!!!!! at, bumagsak sa lusak ang pobreng Pinoy……..

  4. Gigi Alvia Says:

    13th is better than nothing. also some companies give 14th even to 16th because of 13th.
    yes, mackoy did more than few great things to our country. was it not in the early years of his tenure that pinas was second to japan? i often wonder what had become of pinas if he didn’t get sick & totally lost control of his administration?

  5. brianitus Says:

    If you’re rank and file, 13th month is guaranteed kaya’t pasalamat ka kay Macoy. If you’re supervisorial/managerial, pasalamat ka sa kumpanya mo na binibigyan ka pa rin kahit hindi sila legally bound to do so. =)

    Pasalamat din kayo kay Cory sa pagtanggal ng salary ceiling.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: