Pilipinas – Nangamote sa SEA Games (Chubibo – Abante 11.25)

Alaala… nang tayo ay kampeon pa. Noong araw, ang laban para sa pinakaraming ginto sa Southeast Asia Games ay pinagtatalunan ng tatlong bansa lamang – Indonesia, Thailand at Pilipinas.

Noon ‘yon, hindi na ngayon. Sa kakatapos na SEA Games, ang Pilipinas ay nasa ika-anim na puwesto sa paramihan ng medalyang ginto –  sinusundan ng Laos, Cambodia at Myanmar.

Kahit ang Singapore na may populasyon na 5 milyon lamang (kumpara sa ating 95 milyon), nilampaso tayo at namayagpag sa ika-5 puwesto.

Kawawa ang mga atleta natin na kaya namang daigin ang mga katunggali. Nagkukulang lang sa pagsasanay sa mga kompetisyon dahil sa kapiranggot na pondo at sa walang patid na intriga at politika ng marami sa mga opisyales na namamahala sa sports program ng bayan.

Pagtatanggalin na dapat ang mga ‘yan. Nakakasawa na ang talunan!

P1-Bilyong Kapatid. Lumipat na ang megastar sa TV5. Kasama ang tumatayong manager niyang si Vic del Rosario, pumirma noong Martes si Sharon Cuneta sa  isang kontrata na may bisa ng limang taon at natsitsismis na aabot sa P1-Bilyon.

Masaya kami para sa Megastar pagka’t siya ay isang propesyonal na katrabaho na matagal ding hindi nabigyan ng magandang proyekto sa pinanggalingang network.

Musika na nakaka-miss. Noong dekadang 1970, walang Maguindanao massacre, fertilizer scam, riding in tandem gangs, Hello Garci, pasa-load, AIDS, at Kris Aquino. Ang mga kabataan noon… mas masaya, konti lang ang kaba. Pa-ronda-ronda. Disco gabi gabi. Telebabad kasama ang party line.  Ito siguro ang dahilan kung bakit laging sold out ang mga reunion concert ng bandang Hotdog. Nakakapag-balik tanaw ang mga dating teenager na ngayo’y mga magulang o lolo’t lola na. Sa huling pagkakataon, may concert ang banda sa Dec. 1 sa PICC Tent. Chance n’yo na “i-rewind” ang buhay n’yo – kahit man lang dalawang oras lamang. Tawag na sa 8919999 o 8866186 para sa kakaibang biyahe.

Dahil sa mikropono – nabuking? Kalat na kalat na ang video na kuha sa isang press conference ng isang tagapagsalita ng Korte Suprema. Tindig PMA ang mama, pero nang nabagsak ang isang mikropono… nabigla at nag-astang Facifica Falayfay. Kaya tanong ng libu-libo: siya ba’y… o hindi ba siya…?

Huling hirit. NAGBABAGANG BALITA:  Dahil malaki ang posibilidad na muling mauungkat ang ‘Hello Garci’ scandal, nakatakdang aminin ni Iggy Arroyo na siya ang boses ng babae sa tape. Napabalitang babalik na siya sa Pilipinas upang simulan ang pag-aaral sa boses ni GMA.

Advertisements

1 thought on “Pilipinas – Nangamote sa SEA Games (Chubibo – Abante 11.25)”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s