Nagbalik na sa HOY! METRO: Bahala Na Si Batman

Pilipinas… ang saya saya!

Musta po! Tuwing Lunes at Biyernes, magkakasama tayo upang magkuwentuhan tungkol sa mga nangyayari sa ating paligid. Mga pangyayaring masasaya. Mga pangyayaring nakakadismaya. Pati mga pangyayaring wala na tayong magagawa, kundi umiling at sabihing… bahala na si batman. Kaya jam na, at… walang iwanan.

Nakaka-aliw noong Biyernes: maraming hindi nakapagtrabaho pagka’t lahat ay tumutok sa radyo at TV – sabik na sinundan ang Karera ng Daga… este, ang kararatnan ng plano ng mag-asawang Arroyo na lumipad sa Singapore.

Buong araw na kanya-kanyang gimik ang Malacanang at DOJ… at ang mga abugado at tagapagsalita  ng dating presidente.

Habang nagtatalo tungkol sa “hold departure” order kay Ate Glo… kumalat naman ang balita na naglapat ng “hold arrival” order ang Immigration Bureau laban kay Manny Pacquiao dahil sa panalo nito na hindi “convincing” sa marami, at nagatungan pa ng binitawang salita ng Presidente… ng World Boxing Council. Sabi ni Jose Suleiman na dapat na mag-retiro si Pacman dahil ang dami na nitong pinag-aabalahan imbes na unahin ang boksing.

Ayayayyy… bayan nati’y hati – hati sa desisyon sa boksing, hati rin sa desisyon ng Korte Suprema.

Boss Vic - matindi ang pulso

Mukhang nagbalik na ang “Midas Touch” ni Vic del Rosario. Akala ng marami na pilay at magsasara na ang kumpanyang Viva – pero napatunayang maling-mali ang akala nila. Dahil sa kakaibang pulso ni Boss Vic sa panlasa ng Pinoy, namayagpag ang Viva nang husto kamakailan lang. Ang co-production nitong “No Other Woman” ay itinuring na pelikulang lokal na may pinakamalaking kita. Pero, agad-agad namang naagaw ang tronong ito nang tumabo sa takilya ang “Praybeyt Benjamin” – na gawa rin ng Viva. Pati sa larangan ng musika, walang magawang mali ang Viva. Sa bentahan ng CD, ang mga manok ni Boss Vic ang nag-hahari: si Sarah Geronimo, Willie Revillame, the Company… pati nga ang CD ni Anne Curtis, na may boses na nakakapagod sa tenga, ay nag No. 1 sa top hits ng bayan. Mabuhay ka, Boss Vic!

Lagi akong nagpapasalamat na napakadali at praktikal ng wika natin. Pati sa ispeling, kung papaano mo narinig… ganun mo rin i-ispelingin. Simpleng-simple. Samantala, ang Ingles… magulo. Parang bulbol.

Bakit kamo? Heto.

Ang talong, tawag nila ay eggplant – wala namang egg. Ang hamburger – wala namang ham. Ang pineapple ay di makikitahan ng apple… o, pine. Ang boxing ringsquare. Ang guinea pig ay hindi taga-Guinea… at hindi pig. ‘Kakahilo!

Isa na lang. Nakakaumay na ang mga usapang Ate Glo at FG… pero may kailangang dagdag na isang-isa na lang. Kung dati’y paborito ng mag-asawang Arroyo ang awiting “If We Hold On Together”, ngayo’y hindi na. (Hindi sila masisisi – sa dami ng bumalimbing.)

May bagong theme song na daw ang mag-asawa na akma sa hilig nila sa boogie: ang walang kamatayang… “Jailhouse Rock”.

Kitakits uli sa Biyernes!

Advertisements

3 thoughts on “Nagbalik na sa HOY! METRO: Bahala Na Si Batman”

  1. P.S. Do you have American English version for Stephen? Am not very good at translations. Thanks.

    1. hahaha… we’ll do one especially for my dear friend. i might soon write an english column for a daily – that should do the trick. thanks for your support, gigi!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s