Advertisements

Pilipinas kong… mala-teleserye!

Mahirap man ang bayang ito, mayaman naman sa drama.

Araw-araw, parang teleserye.

Hindi pa humuhupa ang pananabik sa kasong Ramgen at sa pag-eskapo ni Ramona, umugong naman ang tsismis na nag-ninong ang pambansang idol sa binyag ng isang sanggol.

Na siya rin daw ang ama.

Na nauwi sa away kay misis.

Na dahilan sa matamlay na laban.

Habang pinag-didibatehan ang laban (ng mag-asawa at ng katunggali sa boksing), pasok naman sa eksena ang susunod na fight cards.

Supreme Court vs Malacanang.

GMA vs De Lima.

Pasalamat kayo na kayo’y Pilipino:

Ang buhay ay laging kapana-panabik.

Ang sakit mo namang magsalita. Hirit ni Jose Suleiman, presidente ng World Boxing Council, si Marquez ang tunay na nanalo sa laban nila ni Pacquiao. Dinagdag pa niya na dapat na sigurong mag-retiro si Manny kasi masyadong napakakarami ang pinagkakaabalahan ng boksingero. Araykupo!

Isang kontrobersyal na personalidad sa TV ay nangangamote sa ratings. Medyo masyadong bilib sa sarili kaya ayaw makinig sa mga nagpapayo sa kaniyang ilipat na ang programa sa ibang oras para may laban naman.

Tawa naman d’yan. May eksperto na nagsabi: sa bawat tawa mo na tumatagal ng 15 segundo, nadadagdagan ng  2 araw ang haba ng buhay mo.

Bilib ako sa mga inilulunsad na progama ni Mayor Bobby Eusebio ng Pasig. Laging kakaiba, laging natutulungan ang mga mahihirap. Kabilang na ang YDC (Youth Development Center) kung saan hinahasa nang husto ang mga batang mahirap pero may matinding talento sa sining, computer o sports.  Andyan rin ang Pasig City Children’s Hospital – kauna-unahan sa bansa sa pamamahala ng isang LGU. At ang pinakabago: ALS (Alternative Learning System). Katulong ang Uplift Pilipinas, isang programang inilunsad para tulungang makatapos ng high school ang 1,200 out-of-school youth. At maraming iba pa. Problema… allergic si Mayor Bobby sa press release kaya hindi nababalitaan ng marami.

Kalimutan na natin ang lahat… wag lang ang petsang ito: Nobyembre 23, 2009. Araw ng Ampatuan massacre. Araw nang walang saysay na pinatay ang 58 mga Pilipino. Ipagdasal natin ang mga kaluluwa nila. Ipagdasal na rin natin na sila’y makatamo ng hustisya sa lalong madaling panahon.

Huling hirit. Walang katotohanan ang tsismis na may “hold-arrival” order si Pacman sa NAIA pagka’t hindi masaya sa resulta ng laban ang kalahati sa 90 milyong mga Pilipino.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: