Dala Ng Wheelchair – Biyaheng Perwisyo

Tunay na nangyari, hindi hango sa “Gabi ng Lagim”.

Linggo ng gabi nang nagtanghal ang bandang Hotdog ng matagumpay na concert sa Tagbilaran. Nagyugyugan ang daan-daang Boholano – kasama ang kanilang Gobernador. Tuwang-tuwa lahat – maging ang mag-asawang prodyuser na si Romy at Belle Sales. Tuwang-tuwa rin ang mga kasama ko sa Hotdog sa init ng pagtanggap.

Kinabukasan, nag-check in kami sa Air Philippines counter. Sinundan ng pakikipagsiksikan sa higit sa 500 tao sa loob ng napakaliit ng boarding area.

Sobrang sikip, sobrang init. Ang singer naming si Maso Diez ay  dinatnan ng kaniyang “period” at ng sakit ng ulo na kasama nito.

Kawawa naman… kaya naisipan kong utusan ang isang assistant para humiram ng wheelchair sa ground staff.

Pag-upo ni Maso sa wheelchair, agad-agad dumating ang tauhan ng Airphil (si Roshannie M. Dashiell) at hiniling na kunan ng ‘blood pressure’ si Maso.

Tapos ng ilang saglit, sinabi ni Ms. Dashiell na hindi pwedeng lumipad si Maso dahil medyo mataas ang “blood pressure”. Kinatuwiran ko: kahit sino’y tataas ang presyon pag ganitong siksikan parang sardinas, walang silbi ang aircon, at walang maupuan.

Natapos ang diskusyon at nag-board na kami.

Habang hinihintay namin ang take off, biglang sumulpot si Ms. Gestapo na muling giniit na dapat bumaba si Maso.

Nakakapikon, kaya’t sinabi ko… kung papababain siya, buong banda ay bababa na rin. Sandosenang tao.

Nataranta si Ms. Gestapo at bumaba ng eroplano. Bumalik, kasama ang doktor ng DOTC sa aiport na si Dr. Jefry Apalisuk.

Kinuha ng doktor ang blood pressure ni Maso at sinabi sa akin na ‘okay lang’.

Pero hindi nakontento si Ms. Gestapo. Tinawagan ang mga bossing niya sa Manila… at heto ang himala:

Payo nila’y wag paliparin si Maso – desisyong galing pang Manila na kontra sa opinyon ng isang doktor na gabuhok lang ang layo sa sinusuri.

Habang lahat nito’y nangyayari, narinig ko ang malutong at malakas na pagmumura ng mestiso’t pandak na piloto. Sabi ko kay Tangkad na hindi naman tama na siya’y magmura. (Iba raw ang minumura niya kuno.)

Kaawa-awa naman ang ibang mga pasahero kaya nagpasya akong bumaba nalang kasama si Maso, ang misis ko at isang assistant.

Nag-check in kami sa hotel. Pinatignan ko si Maso sa isang doktor at hiningan ng doctor’s certificate.

At pagka’t walang nag-iksplika kung papaano ipagpapatuloy ang biyahe namin kinabukasan, bumili ako ng panibagong mga tiket na nagkakahalaga ng halos P10,000.

Kinabukasan, sa boarding area, pinagpipilitan pa rin ni Ms. Gestapo na kunin ang blood pressure ni Maso kahit na nasa kaniya na ang medical certificate.

Hindi pumayag si Maso.

At hindi umiral ang kabobohan ng mga tao ng Airphil.

Huling Hirit. Ako ba’y sasakay muli sa airline na yan? Ano ako… hilo?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s