Tara, mga turista – pero bawal ang kodakan!

Ano bang kabobohan ‘to?

Gusto nating dumagsa ang mga turista sa Pinas…  pero, sa napakaraming lugar, bawal gumamit ng usong-uso (at pambahay na lang) na DSLR camera. Bawal sa Luneta, sa Intramuros, sa Paco Park, sa mga mall, hotel at kung saan-saan pa.

Subukan n’yong kuhanan ng litrato ang Ayala Malls… at mabilis pa sa alas kwatro’y sisitahin kayo ng mga Gestapong sikyu.

Nag-turista ka pa!

Unahin sana ni DOT Sec. Mon Jimenez na ipagbawal ang pagbabawal sa  kodakan.

(Saka paki eksplika, Don Jaime Zobel, kung bakit hindi pwedeng tutukan ng camera ang mga mall mo? Ang grupong Camera Club lang ba – mga kabaro mo – ang tanging may basbas?)

Totoo ba ang tsismis? Kuwento ng maraming musikero na kahit wala kang talento, pwede ka pa ring mag-biyahe bilang isang ‘artist’.  Nagagawan daw ng paraan… sa halagang P17k. Wala na raw personal appearance, wala na ring medical. Naku, POEA, kailangang imbestigahan ang hindi magandang tsismis na ito.

Si GMA… may powers ni Darna? Matindi ang powers ng ating dating pangulo. Nang mapababa sa puwesto si Erap, nakulong agad sa loob ng apat na buwan. Pero ibahin mo si Ate Glo. Kaliwa’t kanan man ang paratang sa kaniya, malaya pa rin kahit ngayo’y halos mangangalahati na ang termino ni PNoy.

Isang milyong motibo. Umuugong ang haka-haka na ang pagpatay kay Ram Revilla ay may kinalaman sa kaniyang pamamahala ng  P1M buwanang allowance, galing sa amang si Ramon Revilla, na pinaghahatian ng siyam na magka-kapatid. Ang kadugo niyang si RJ,18, at si Ramona, 22, ang pangunahing mga suspek sa pagpaslang.

Malaking karangalan kung makakadalo kayo. Inaanyayahan ko po kayong lahat sa kauna-unahang art exhibit ko na pinamagatang “RAKENROL”, gaganapin mula Nobyembre 8 – 22 sa GalerieOne Workshop sa Reposo, Makati City. Kabilang sa aking mga nilikha ay mga painting na nilalarawan ang ilan sa ating mga bayani na ang hawak ay gitara, imbes na itak o bandila. Piyesta para sa mata. Garantisadong hindi kayo aantukin.

Huling hirit. Narinig sa kapitbahay.

Apo: Lo, di ako maka-score sa syota ko kasi may nakamarka sa panty nya – NO TRESPASSING, PRIVATE PROPERTY.

LOLO: Naku, madali lang yan, apo. Markahan mo rin ang brief mo ng… DEMOLITION TEAM, DO NOT DELAY !!!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s