Hindi all-out war o all-out justice!

Ang ilan sa atin ay sobrang nababahala sa nangyayaring gulo sa Mindanao. Pero sa karamihan, hindi “all-out war” o “all-out justice” ang nasa isip. Ang pinagkakaabalahan: ALL OUT – tsismis.

Break na ba si John Lloyd at Shaina? Dahil ba kay Ruffa? Si KC, si Piolo… ba’t hindi na silang dalawa?

(Talaga naman. Ang pag-ibig ay parang utot. Kahit anong gawin ay napakahirap itago at pag-ibinuga mo ang kimkim na damdamin, maaamoy ng lahat kahit hind ka man umamin!)

Parang target sa shooting gallery sa perya ang tropa natin.

Kumakalat ang special report ni Maria Ressa, dating CNN bureau chief at dating head ng ABS-CBN public affairs, kung bakit naisahan ang mga tropa natin sa Basilan.

Ang labanan ay nagsimula sa isang lugar na dalawang kilometro ang layo sa Area of Temporary Stay ng MILF. Tumagal ito ng sampung oras at lumayo ng 4.3 kilometro mula sa ATS – nangangahulugang, walang nalabag na kasunduan sa ceasefire.

Sa unang dalawang oras, kontrolado ng mga sundalo ang sityuwasyon hanggang nadagdagan ang pwersa ng kalaban na galing sa mga kalapit na teritoryo ng MILF at Abu Sayaf.

Dahil sa ilang pagkakamali, nalagay sa alanganin ang ating pwersa:

1. Tanging si Lt. Col. Leo Pena, commander ng 4th Special Forces Battalion, ang nag-plano ng gagawin. Halos walang koordinasyon sa 13th at 19th Special Forces Commands, at sa mga estudyante ng Scuba Class Nr 42. Hindi rin nakonsulta ang area commander, isang malaking sabit. Napasabak ang ating mga tropa nang hindi handa.

2. Ito ang unang pagkakataon na lumaban sa Basilan ang karamihan sa ating mga sundalo. Marami rin sa kanila ay walang combat experience.

Pagka’t kulang sa karanasan, hindi nila alam ang taktika ng kalaban na ang tawag ay  “Pasa Bilis”. Ang mga kakampi ng Abu Sayaf o MILF ay itini-text ang lokasyon ng mga sundalo. Isa pa ay ang “Pintakasi” –- kung saan ang mga sibilyan ay tumutulong labanan ang militar.

3. Tapos ng higit sa walong oras na labanan, apat sa anim na officers natin ay nasawi. Natira na lang ay mga sudalong wala pang karanasan – may rangong Private First Class (PFC).

4. Atrasado ang tulong ng 9th Field Artillery Battalion at ang “air support” naman ay nahuli nang anim na oras.

5. Walang daliang tulong ang nakarating sa mga sundalo. Pati ang 13th Special Forces na sasagip sa kanila, humingi ng karagdagang tropa pero ito’y hindi pinagkaloob.

Nakakadismaya. Nakakalungkot.

Huling hirit. Kay raming gintong aral na mapupulot sa internet… at heto ang isang napakagandang payo tungkol sa pagtanda: “ang katandaan ay hindi lisensya upang maging inutil, ulianin at wala nang silbi sa buhay”.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s