Advertisements

Hindi na No. 5 — No. 1 na ang Pilipinas!

Makaraan ang ilang buwan sa ika-limang posisyon, namayagpag na ang Ninoy Aquino International Airport bilang No 1 sa “worst airport” sa buong mundo. Ito’y ayon sa “Guide on Sleeping in Airports”, isang travel website. Reklamo ng mga turista: walang maupuan, bastos ang mga employado, talamak ang kotongan, mga CR ay walang toilet seats at nakakapangamba ang seguridad.

Samantala, ang mga napiling “best airports” naman ay puro matatagpuan sa ilang karatig-bansa natin: Singapore, Hong Kong at South Korea.

Nakapagtataka… saan kaya ginagastos ang P8.5 B na kinikita ng NAIA 1 sa terminal fees bawat taon? Hmmm…

Sakim ba sa pera o sa boto ang mga opisyales ng Quezon CIty?

Noong nagbitiw ang dating mayor ng lungsod para tumakbo sa Kongreso, sinabi ni Sonny Belmonte na may surplus ang Quezon CIty ng P6.5 billion. Pero, wag ka: ayon sa mga konsehal, kailangan daw ng pera ng lungsod para magpatayo ng pabahay para sa mga iskwater. (Nagkataon lang kaya na eleksyon na naman sa 2013 at ang libu-libong mga iskwater na ito ay bumoboto?)

Ang panukala ng konseho ay para taasan ang real estate tax sa lungsod. Walang opisyales na tumututol… ang umaangal lang ay ang mga homeowners na magpapasan ng panibagong buwis. Na naman.

Kailangan na ata nating lumipat ng tirahan sa Pasig o Taguig.

Sarap lumipat na sa Pasig o Taguig!

Wag nang magtaka kung bakit napakahaba ng pila sa Don Bosco Mandaluyong tuwing Sabado. Ito ang takdang araw na pinagkakaloob ni Fr. Demetrio Carmona, Vice-Rector at Executive Director ng paaralan, ang isang mabisang lunas sa maraming sakit.

Ayon kay Fr. Carmona (na isa ring scientist), matagal niyang pinag-aralan ang bisa ng tinawag niyang “AC Enzyme”..

Maraming pasyenteng may “Stage 4” cancer ay sumusumpa na ang enzyme na ito ang nagpapagaling sa kanila.

Katulong ang ilang ispesyalista ng Philippine General Hospital, limang taon nang sinisiyasat ni Fr. Carmona ang bisa ng enzyme na ito. Sa isang kaso, ang bilang ng cancer cells ng isang pasyente ay bumamaba na  lang sa 40 mula sa bilang ng 8,000.

Kaya naman, ang “mantra” ng butihing pare ay… CANCER CAN BE ISOLATED AND STOPPED!

Siyanga pala, ni singko ay hindi sumisingil si Fr. Carmona para sa serbisyong ito.

Huling hirit. Dahil sa pagpanaw ni Steve Jobs, ang utak ng Apple computers, lalong tumindi ang pagnanais ng marami na magkaroon ng iPad o iPhone o Mac laptop. May dalawang paraan. Isa’y magtungo sa authorized Apple reseller at bilhin ang iPad 2 (P36,000) o iPhone (P32,000) o Macbook (nagsisimula sa P52,000). O kung walang pera, utusan na lamang ang inyong suking “riding-in-tandem” snatchers sa pinakamalapit na Starbucks. (Joke lang!).

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: