Asar kay ‘Rambo’ – hindi kay PNoy

Wag naman sanang mamasamain ni PNoy ang mga batikos sa kaniya.

(Kahit pa yung mga nakakairitang tanong kung siya ay naglalaro ng video games sa kasagsagan ng bagyo.)

Ang katunayan: karamihan ay tulad ko, nais lang na siya’y magtagumpay kaya masipag pumuna.

Hindi papalampasin ang mga kapalpakan tulad ng sabit ni Sec. Rambo… este, Llamas kamakailan.

Habang wala siya sa bansa, may ilang sandatang pang-Afghan war ang natuklasan sa sasakyan ni Llamas, nang madamay ito sa isang aksidente. Medyo kahit anong paliwanag, hindi maaalis na siya’y naging pabaya sa pangangalaga ng mga baril na lisensyado sa kaniya. Ang tamang lugar sa baril ay sa bahay – nakakandado at hindi kayang mapasakamay o mapaglaruan ng mga bata.

Medyo huli, pero okay na rin ang parangal sa mga haligi ng OPM (Original Pilipino Music). Ito’y ginanap noong Martes sa Quezon Circle. Hiniyawan at hiningan ng “sample! sample!” ng libu-libong tao ang mga tumanggap ng kauna-unahang “Dangal ng OPM”: Apo Hiking Society, Asin, Freddie Aguilar, Nora Aunor, Pilita Corrales, Jose Mari Chan, Juan de la Cruz at Hotdog. Hindi makapaniwala si Ogie Alcasid, ang pangulo ng OPM (Organisasyon ng mga Pilipinong Mangaawit), na mapapagsama-sama niya ang mga humugis ng musikang Pinoy sa isang entablado – pero ito’y nangyayari. Mauulit pa kaya? Malamang hindi na.

Ang mga haligi ng OPM - nagsama-sama sa kauna-unahang pagkakataon

Hula who? Kahit ang pinakamatinong tao… pag tinamaan ng pag-ibig, medyo nagkaka-tililing. Tulad nitong isang may mataas na posisyon sa gobyerno: medyo na in-love ata sa isang artistang pumayagpag noong “Bagets” era. Istilo’y pa-shopping shopping for groceries… pabibigay-bigay ng baon pag nag aabroad ang ta-ar-tits. Hanggang, nag-assign pa ng security. Pagka’t hindi ata nasusuklian ang pagtingin, naging mabangis na “stalker” ang lalaki. Dikit-dikit ang tawag at text. Hanggang dumating sa punto na pati ang batang-batang anak ni ta-ar-tits ay pinapadalan na rin ng nakakasindak na text. Wag ganyan, p’re. Tanggapin mo na lang – kung ayaw sa iyo, ayaw sa iyo. Ika nga ng walang kamatayang linya ng showbiz… move on na lang.

Huling hirit. Nagbidahan ang dalawang mayabang na suki ng Abante:

Ernie: Ang galing ng aso ko! Tuwing umaga, dala niya ang dyaryo sa akin.

Angel: Alam ko.

Ernie: Ha? Paano mo nalaman?

Angel: Ikinukuwento sa akin ng aso ko.

Advertisements

1 thought on “Asar kay ‘Rambo’ – hindi kay PNoy”

  1. Ang masasabi ko lang ay, pasalamat si Lacierda at hindi bazooka ang natagpuan sa sasakyan ni Llamas. Kung iyon ang nangyari, ano na kayang palusot ang gagawin nya?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s