Advertisements

May nagsindi sa eroplano! (Chubibo sa Abante, 10/7)

Hula-who?

May isang pasaherong VIP

Biglang na-atat na mag-yosi

DInala sa lugar na walang saksi

Walang bawal bawal – ‘pag VIP

Humitit hanggang naubo na

Kesehoda… walang paki 

Na nasa eroplano siya
Hula-who 2?
Isang bigating tao ang tumungong Germany upang diumano’y maghanap ng lunas para sa kapamilya na may malubhang sakit.  Pero may nagbulgar na ang talagang pakay niya ay para dumalo sa Oktoberfest – isang nakaugalian na niyang gawin taon taon. Walang makapigil sa kaniya kahit pa ang mataray niyang doktor. Marahil, ang sinasadya ng ginoong ito ay ang masarap na German version ng ating crispy pata.
Pabangis nang pabangis ang climate change
Una, binayo tayo ng bagyong Pedring. Pinasok ang mala-Fort Knox na US embassy.
Winasak ang sea wall sa Roxas Blvd.
Giniba ang paboritong buffet restawran ng madadatong (P2,000++ kada tao) sa Sofitel.
Sinundan ng bagyong Quiel na tuluyang nilubog sa baha ang Bulacan, Pampanga at ilang bahagi ng Tarlac.
Akala ng mga biktima’y pansamantalang abala lang – ngunit hanggang ngayon ay mataas pa rin ang baha… hanggang ikalawang palapag ng mga bahay.
Tayo na rin ang may kasalanan kung bakit napakabagal bumaba ng baha. Ang karamihan sa puwedeng daanan ng tubig ay barado sa water lily at basura. Walang pinagkaiba sa mga baradong ugat na pinipigilan ang maayos na pagdaloy ng dugo.
Sana’y matuto na tayo sa delubyong naranasan natin.
Sa bawat kalamidad, mahalaga na ramdam ng mga mamamayan na nag-aalala ang kanilang lider at tumutugon sa lahat ng kanilang pangangailangan.
Mahalagang makita siya… o marinig man lang.
“Baka sabihin na siya ay ‘pumapapel’.”, “Baka mas mainam ibuhos ang gastos ng kaniyang pagbisita sa mga biktima sa pagbili ng relief goods.”
Walang dahilan na uubra para umiwas sa resposibiidad na ito.
Kakasal na si Shalani Soledad kay Cong. Roman Romulo sa darating na taon.
Kawawang PNoy — pagpi-piyestahan na naman ng media at pipiliting makuhanan ng opinyon.
Sagot ko na ang dapat bigkasin ng presidente. Heto:
“Sasaluhin ko sana siya… kaya lang, hindi naman siya nahulog sa akin.”
Ayuz.

Huling Hirit: Ang namumuno sa mga operasyon ng pamahalaan tuwing may kalamidad ay mas magaling magpatawa kaysa magbasa ng mapa. Pinatawa nang husto ni Benito Ramos, executive director ng NDRRMC (National Disaster Risk Reduction Management Council), ang Presidente sa briefing hinggil sa pagbaha sa Central Luzon. (Halimbawa, “ang mga Marines – nagka-alipunga na dahil sa pagsugod sa baha.”) Pero sa congressional hearing na dinaluhan ni Ramos, hindi niya mapaliwanang ang kaibahan ng geo-hazard map sa risk map — mahahalagang gamit sa tungkulin ng NDRRMC.

Mag-apply na lang kaya siya sa Eat Bulaga.

Advertisements

%d bloggers like this: