Juice ko, ‘day! (Chubibo sa Abante, 9/30)

Pag lapag pa lang ng eroplanong galing Amerika, gigil na gigil na binalita ni PNoy na may mga negosyanteng maglalagak ng puhunang aabot sa $15M para lalo pang pasikatin ang buko juice na hit na hit ngayon doon.

(Lumang balita na para sa mga taga-CamSur na may napakalaking proyekto kung saan ang bida ay… buko juice.)

Maski ang $15M na nabanggit ay barya lamang – sa ating mga bigating negosyante.

Pero may magandang binunga ang pagka-atat ni PNoy: napagisip-isip muli ang marami sa kahalagahan ng buko.

Sankaterbang benepisyo ang dulot ng buko juice.

Nagpapalusog. Inaayos ang presyon natin, ang antas ng asukal sa dugo at ng kolesterol. Kinakalaban ang trangkaso ng tiyan, ang hindi pagkatunaw ng pagkain, paninigas ng dumi, mga bulate, at kolera. Solusyon sa problema sa pag-ihi, kidney stones, tuyo at makating balat, mga kulubot at pekas na dala ng pag-edad.

Ang hindi lang yata maaayos ng buko juice ay ang takot ni Sen Lito Lapid – takot mag-Ingles at takot makipagdebate.

Nakapagtataka minsan kung bakit naisipan pa niyang tumakbong senador.

Dalawang tanong ang bumabagabag sa kaniya tungkol sa RH bill:

Magaya kaya tayo sa Singapore at South Korea na tumatanda na ang populasyon?

May masamang epekto ba ang contraceptives sa mga batang hindi tinalaban ng bisa nito?

Kung tatahimik lang siya, matagal-tagal din niyang hihintayin ang mga sagot dito.

Maraming manggagamot ang nagkakasakit sa nerbyos dahil sa kampanya ng BIR at ng boss nitong si Kim Henares laban sa mga doktor na mahilig mag-reseta, pero walang hilig mag-resibo. Naalala ko tuloy ang kuwentong ito…

Dalawang lalaki ang nag-uusap sa loob ng isang klinika.

Unang Lalaki: Dok, pwede bang gamutin ninyo ako?

Doktor: Pwede, bakit ano ba ang nararamdaman mo?

Unang Lalaki: Kasi tuwing hapon, palagi akong nahihilo.

Doktor: Bakit, ano bang trabaho mo?

Unang Lalaki: Eh, Doktor rin ho!

Doktor: O, Doktor ka rin pala eh, bakit hindi mo gamutin ang sarili mo?

Unang Lalaki: Kasi, Dok, mataas ako kung sumingil, eh!

Ang sarap magpalaki ng anak sa Pasig City. Libre ang edukasyon hanggang kolehiyo. May mala-theme park na pasyalan. May science museum. At kung mahirap ka lang pero ang anak mo’y may kakaibang talento sa arts, musika, computer o sports – bigay todong alaga ang kaniyang matatanggap sa bagong tatag na Youth Development Center ng lungsod.

At kasing kapuri-puri: sisimulan nang itayo ang CHILD’S HOPECHILDren’S Hospital ng mga PasiguEnos – ang kauna-unahang childern’s hospital sa bansa na itinaguyod ng isang LGU. (At, wag ka, ang ospital na ito ay earthquake-proof.)

Huling hirit. Ayon sa US ambassador, 40% ng mga lalaking turista sa Pilipinas ay pumupunta para sa S-E-X. Binilang kaya ni Amba ang kaniyang sarili at ilan sa mga consul niya rito?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s