Ano ba’ng meron ang GenSan? (Chubibo sa Abante 9/23)

Ang tuna na galing sa General Santos City ay pinag-aagawan sa buong mundo.

Sa GenSan din galing si Manny Pacquiao, ang pinakamagaling na boksingero sa planeta ngayon.

At noong isang linggo lang, humanga ang lahat sa isa pang taga GenSan nang maging 3rd runner-up si Shamcey Supsup sa Ms. Universe contest.

Tanong tuloy na marami: ano ba ang meron dyan sa GenSan at inuulan ng karangalan?

Mabilis na sagot ni Archie Lacson, host ng kinagiliwan nating Penthouse 7: “mahiwaga ang Omega 3 diet nila”. Tiyak na sang-ayon sa hirit na yan si Darlene Antonino-Custodio – masipag na alkalde ng lungsod.

Pati ang bantog na tuna, nakisali sa pagbati kay Shamcey ng GenSan na nadaig pa ang dating mga parangal kay Pacman (Photo courtesy of Eli Antonino)

Ang dami kong napulot na kaalaman kay Adel Antonino – isa sa mga haligi ng tuna industry natin.

Alam n’yo ba na, sa tuna consumption, nalampasan na ng America ang Japan?

Alam n’yo ba na ang Grade A tuna ng GenSan (ang gold standard) ay hindi na nakakarating sa Manila? Naka-kontrata na kasi ito at pinapakyaw ng sashimi at sushi lovers sa Japan, America at iba pang bansa.

Ang tuna na mabibili sa Costco stores sa USA ay galing GenSan.

(Latak na lang ata ang nakakarating sa atin. Kahit yung Grade B tuna nga ng GenSan, sapat lamang ang natitira para sa dalawa o tatlong restawran dito sa Metro.)

Malapit na ang pasko, nalista n’yo na ba ang mga gustong regaluhan?

Sinimulan ko na ang listahan ko pero nahinto nang maisip-isip: Bat ba ganyan?

Ho. Ho. Ho.

Lahat ng gusto natin ay – kung hindi illegal – nakakataba, immoral, nakaka-adik, napakamahal o imposible?

Gumawa na rin ako ng listahan ng mga regalong bagay sa ilang mga kababayan natin.

Gift list:

PNoy – isang libro “How to Make Anyone Fall in Love with You”Floyd Mayweather – duct tape para sa bibig

Customs Commissioner Ruffy – ear plugs para hindi marinig ang mga bumubulong-bulong

Mga sikyu sa SM – eye check-up at mga metal detector na ‘di-palpak

Ilang alipores ni PNoy – puwesto sa Department of Agriculture… dahil mahilig magtanim (ng sama ng loob)

Madalas akong tumambay sa Rockwell. Pero next time na mapadpad uli roon, baka mag-gas mask na ako.

Kumakalat kasi ang tsismis na may ilang tonelada ng toxic waste ang ibinaon sa lupang kinatatayuan ng mall o sa paligid nito.

Kapag tumagas… dala’y cancer.

Karapatan nating maliwanagan sa bali-balitang ito.

Huling hirit.  Ang ma-appoint sa Pagcor ay parang pag-ibig.

Pinapanga-pangarap. Inaasam-asam. Pagsisiksikan mo ang sarili kahit walang puwesto para sa iyo.

For comments, questions or suggestions, send email to: chubibo@easy.com

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s