Advertisements

Tatlong salita lang – solb na! (Chubibo sa Abante 9/16)

 Minsan nanggigigil ako sa pangulo natin.                                                                    Pagka’t, tapos ng isang taon, wala pa ring sinasampulan at pinakukulong.                  Nanggigil pagka’t hinahayaang manggulo ang mga illegal settlers.                      Hinahayaang lumaganap ang mga salot tulad ng “Bukas Taxi Boys”.                  Nanggigigil pagka’t nagtiyatiyaga sa ilang alipores na kailangang tasahan ang ulo.

Pero, sa gitna ng panggigigil, may tatlong salita akong binibigkas para malimot kaagad   ang mga pagkukulang ni PNoy.

Tatlong salita na magandang isaisip nyo rin. Tapos, sabayan ng dasal.

Ang tatlong salita…

Pacquiao for President.

Kung magkakatotoo nga ang pangarap (o bangungot?) ng ilan sa atin na maging pangulo si Pacquiao, nakikita-kita ko na ang ilang mga personalidad na aalalay kay Pacman sa Malacanang.

Executive Secretary – Chavit Singson

Lito Atienza – Defense Secretary

Presidential spokesperson – Diane Castillejos

DSWD Secretary – Mommy Dionesia

Health secretary – Vicky Belo

Sports Development Adviser – Freddie Roach

Musical Director – Lito Camo

Pambansang Muse – Paris Hilton

(Of course, hindi malayong magkaroon din tayo ng bagong pambansang awit… “Sometimes When We Tats”.)

Nakakagambala minsan ang mga pinapakawalang pahayag ng Malacanang. Tulad noong isang araw: inamin ng isang tagapagsalita ng pangulo na “helpless” daw ang pamahalaan sa patuloy na pagtaas ng gasolina. Helpless. Para na ring sinabi niyang, “Bahala ka sa buhay mo!”

Dambuhalang tipaklong pala ang DOTC. May halos 20 iba’t ibang tanggapan ang bumubuo dito. (Pati pala Coast Guard, bahagi nito.)  Parang United Nations – may kaniya-kaniyang kultura, paniniwala, at patakaran.  Kaya pala laging nasa Mercury si Sec. Mar Roxas at bumibili ng generic na gamot para sa sakit ng ulo.

Nakasama ko mag-siopao si Sen. Kiko Pangilinan minsan. Nabanggit niya na nakangangamba na ang average na edad ng magsasaka natin ay 57. Sabat ko, baka kailangang gumawa ng kanta – na si Sharon ang aawit… isang kanta na magandang pamagatang “Balik-lupa”? Sabi ng mapagbirong senador… “aba, ayos yon, wag lang ‘Amoy Lupa’”. Napahiyaw ako at nailuwa  tuloy ang kinakaing pusa… este, siopao.

The average age of the Pinoy farmer is 57.

Mababait ang mga anak ko pero marereklamo sa isang aspeto. Araw-araw sa ginawa ng Diyos, ang daing, “Dad naman, basta ipinapakilala kami, laging may buntot na… (ito si Anj/Paolo/Isa)… ‘anak ng Hotdog’…”. Lagi ko namang sagot, pasalamat kayo’t hindi kayo si Manoling Morato – anak ng kalye.

Huling hirit. Karamihan sa mga mukha ngayon sa Kongreso ay mga ka-close dati ni GMA, pero bumalimbing na sa kampo ni PNoy. Hindi pinakinggan ang babala ng isang bayani, “Ang hindi lumilingon sa pinanggalingan… kadalasan, may stiff neck… o naka-neck brace…”

For comments, questions or suggestions, send email to: chubibo@easy.com

Advertisements

One Response to “Tatlong salita lang – solb na! (Chubibo sa Abante 9/16)”

  1. eseltee Says:

    What a choice for your kids…..hotdogs or streets! I’m doing this so I can sign up for your blog, no offense meant to your children…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: