Advertisements

Chubibo sa Abante (Sept. 9, 2011)

Ang buhay ay parang chubibo: minsan, tayo’y nasa baba. Minsan – kahit saglit lang – nasa taas. Ganyan din ang mga paksang tatalakayin natin tuwing Biyernes. Mga kaganapan na nakakangitngit. O, (sana mas madalas) mga pangyayaring todo saya. Iikot na.  Sakay na!

Mas ganado magtrabaho pag may inspirasyon. Parang gasolina kasi ang pag-ibig: matindi ang sipa – ang tinatamaan… nagiging mas masigasig; mas nagpapakitang gilas.

Siguro panahon na para sama-sama nating ipagdasal na magkaroon na ng tunay at pangmatagalang pag-ibig si PNoy.

Ang magandang dilag na ito ang huling “public date” ni PNoy

Para lalo siyang ganahang hanapan ng solusyon ang mga kapalpakan ng ilan sa kaniyang mga alipores – tulad ng higit na 2,000 container vans na nawala parang bula.

Ang sariwang balita, si Iza Calzado na raw ang bagong nagpapaharurot sa puso ng kuya ni Kris. (Lord, tuluy-tuloy Mo na – please!)

Kawawang Ambassador Kristie Kenney. Dahil sa Wikileaks (na nagbulgar sa diumanong mga maaanghang na pananalitang pinukol niya sa ilang lider natin), medyo matagal-tagal bago makatungtong ulit si Amba sa Pinas. Malamang, magbibilang siya ng taon bago muling mapasyalan ang… Greenhills tiangge.

Ambisyoso ang mga nagpa-planong parusahan ang mga may bitbit na fake designer products o pirated DVDs pag pasok sa bansa. Kailan pa ba naging eksperto ang mga airport at customs officials natin sa genuine (DVDs, Louie Vuitton at Hermes bags, Rolex watches) at sa peke? Hello… paalala lang: ‘yon ngang dating matataas na opsiyales ng PNP nasalisihan at nabentahan ng pekeng brand-new helicopter noh. Dambuhalang laki, naisahan pa rin.

Katulong ang Google, natagpuan ko ang swak na swak na inumin para sa mga mambabatas na mahilig manggulpi ng mga sikyu .

Akmang-akma sa mga nananapak!

May slogan na rin akong naisip na akmang-akma para sa produktong alkohol na ito. Bully Boy:  Sapak ang Tama!

Ang sarap bigyan ng theme song ang mga VIP sa balita. Heto ang ilan…

PNoy – “Mr. Lonely”

Cong. Pangandaman  – “Don’t Blame Me”

Iggy Arroyo – “He Ain’t Heavy, He’s My Brother”

Chavit Singson – “This Land is Mine”

Candidates para Customs Commissioner – “Let It Be Me”

FG Mike – “One Day I’ll Fly Away”

Rosebud – “Do Not Forsake Me”

Ping Lacson – “Behhh, Buti Nga”

Huling hirit – sumunod tayo sa batas…

Ang pagpili ng kaibigan ay dapat alinsunod sa probisyon ng Republic Act 9003: Ihiwalay ang PLASTIK at ibukod ang mga BULOK sa DI-NABUBULOK!

For comments, questions or suggestions, send email to: chubibo@easy.com

Dennis Garcia's column "CHUBIBO" appears every Friday in Abante

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: